The Two Covenants
(Galatians 4:21-31, Romans 4)
Tagalog
Year:
2011
Quarter:
4
Lesson Number:
10
Panimula: Sa ilang linggong nagdaan nalaman natin na nandoon na ang pangako ng Diyos kay Abraham tungkol sa katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kasama na ng kaalaman ni Abraham sa kautusan ng Diyos. Natuklasan natin ang dahilan kung bakit magkasama ang dalawa (biyaya at kautusan) dahil sila ay mayroon magkaibang layunin. Sa linggong ito isinama ni Pablo sa usapan ang mga babae at bata. Magbibigay ba ito sa atin ng mas malinaw na pang-unawa sa ating pagpili sa kung aasa sa kautusan o sa biyaya? Puntahan na natin ang ating pag-aaral sa Galacia at ating tuklasin!
- Nagsalita ang Kautusan
- Basahin ang Galacia 4:21. Ang tanong na ito ay para doon sa mga taong naniniwala na kailangan nilang sumunod sa kautusan para maligtas. Mayroon ba ditong ganon ang paniniwala? Kahit na hindi `ka naniniwala, para lamang sa ating diskusyon, ipalagay nating naniniwala tayo. Kaya’t nagtanong si Pablo, ano ang sinasabi ng kautusan? (Maraming bagay ang sinasabi ng kautusan. Madalas kong naririnig na sinasabi na ang kautusan ay siyang “sipi ng karakter ng Diyos.” Ito ay mabuti!)
- Humihiling ba talaga si Pablo ng sagot mula sa kanyang mambabasa kung ano ang sinasabi ng kautusan? (Hindi. Kanyang ipinapalagay na hindi alam ng kanyang mambabasa kung ano ang sinasabi ng kautusan, at kanyang sasabihin sa atin kung ano ang sinasabi nito.)
- Basahin ang Galacia 4:22-24. Ano ang iminumungkahi ni Pablo na sinasabi ng kautusan? (Sinasabi nito, “Ako si Hagar at ang kanyang mga anak.”)
- Sandali lamang! Hindi ko kailanman nakita itong nakasulat sa Sampung Utos. Saan nakita ito ni Pablo na nakasulat? (Sinasabi ni Pablo “ang mga bagay na ito ay gawing patalinhaga.” Ang Griyegong salita na isinalin “patalinghaga” ay “allegoreo” – an allegory, isang paghahambing, isang paglalarawan. Sinasabi sa atin ni Pablo na ang kuwento ni Hagar ay kuwento ng kautusan.)
- Basahin ang Galacia 4:21. Ang tanong na ito ay para doon sa mga taong naniniwala na kailangan nilang sumunod sa kautusan para maligtas. Mayroon ba ditong ganon ang paniniwala? Kahit na hindi `ka naniniwala, para lamang sa ating diskusyon, ipalagay nating naniniwala tayo. Kaya’t nagtanong si Pablo, ano ang sinasabi ng kautusan? (Maraming bagay ang sinasabi ng kautusan. Madalas kong naririnig na sinasabi na ang kautusan ay siyang “sipi ng karakter ng Diyos.” Ito ay mabuti!)
- Ang Kuwento ni Hagar
- Basahin ang Genesis 16:1-2. Naniwala ba si Sarai (Sara) sa Diyos? (Naniwala siya sa Diyos—sapagkat inisip niya na pinipigilan siya ng Diyos para magkaroon ng mga anak.)
- Sinusuway ba ni Sara ang Diyos? (Binasa kong muli ang mga pangako ng Diyos kay Abraham tungkol sa pagkakaroon ng maraming anak. Ito ang mga pangako kay Abraham, at hindi kay Sara. Tinutulungan lamang ni Sara ang Diyos.)
- Ating pag-usapan ito sandali. Sinasabi ni Pablo na si Hagar ay kahalintulad o isang kuwento tungkol sa kautusan. Pumasok si Hagar sa eksena dahil sa kasunduan nina Sara at Abraham. Ating tingnan kung ano ang malalaman natin tungkol sa paghahalintulad na ito:
- Mali ba na maging layunin ni Sara na magkaroon ng anak si Abraham? (Hindi.)
- Mali ba na tulungan ni Sara si Abraham na magkaroon ng mga anak? Hindi ba dapat na tumulong ang asawa?
- Mayroon bang mali sa ginawa ni Sara? (Nagpasya si Sara na gawin ang panukala ng Diyos. Alam ko na ang kaugalian nila noon ay isang pag-aari ni Sara si Hagar, tulad lamang ng pagkakaroon ng isang kotse ngayon. Maaaring inakala ni Sara na ang pangako ng Diyos kay Abraham ay isa ring pangako sa kanya yamang sa mata ng Diyos ang mag-asawa ay isang laman (ang dalawa ay magiging isa - Genesis 2:24). Yamang pag-aari niya si Hagar, inakala niya na hindi niya sinusuway ang utos para sa mag-asawa na “maging isa ang dalawa” yamang si Hagar ay kanyang ari-arian. Kaya’t ginagawa lamang niya ang kalooban ng Diyos.)
- Ito ba ay kahalintulad, isang larawan ng mga sumusunod sa kautusan? (Oo! Ito ang tunay na kalagayan. Sa halip na maniwala sa Diyos (naniwala si Abraham) at hayaang tuparin ng Diyos ang Kanyang pangako, abala si Sara na gawin ang bagay na ipinangako ng Diyos na Kanyang gagawin. Sapat na sana iyon.)
- Mayroon ba tayong hindi maunawaan dito –sinasabi ng Biblia (Galacia 4:24) na “kinakatawanan ng babae ang dalawang tipan.” Kinakatawanan ni Hagar ang kautusan, pero si Sara naman ang gumawa ng mali. Paano natin mauunawaan ito? (Kailangan nating tingnan ito mula sa pananaw ni Abraham. Nangako ang Diyos sa kanya ng maraming anak ngunit ayon ito sa Biblia kung ito ay manggagaling kay Sara. Pinalitan ito ni Sara sa pamamagitan ng pagsama kay Hagar sa eksena. Kaya’t, kinakatawanan ni Hagar ang kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa.)
- Basahin ang Galacia 4:25. Bakit inihalintulad si Hagar sa Bundok ng Sinai at Jerusalem? (Sa Sinai ibinigay ang sampung Utos. Ang Jerusalem naman ang pinanggalingan ng mga taong nakikipagtalo na kailangang sundin ang kautusan para maligtas. Si Hagar at ang kanyang anak ay alipin. Ang mga taong nasa ilalim ng kautusan ay alipin ng hatol na kamatayan.)
- Mayroon bang isang malaki relihiyon na naniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa, na kaugnay sa Saudi Arabia at Hagar??
- Bagama’t mayroong alitan sa pagitan ng Islam at Judaism, mayroon ba silang pagkakapareho tungkol sa kaligtasan? (Lahat ng relihiyon ngayon maliban sa Kristiyanismo, ay naniniwala sa “kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa.”)
- Basahin ang Galacia 4:26-27. Sino ang nabubuhay noon sa Jerusalem na nasa langit na? (Si Jesus! Si Jesus, yamang tinupad ang mga pangangailangan ng kautusan para sa ating lugar, ay nasa langit ngayon. Ito ang tunay na espirituwal na tahanan natin, hindi ang Jerusalem sa lupa na nagtakwil kay Jesus bilang isang Mesiyas.)
- Pansinin na ang talatang 27 ay sinipi mula sa Isaias 54:1. Sino ang “baog na babae?” (Si Sara!)
- Sino ang babaing “mayroong asawa?” (Tandaan ninyo na ibinigay ni Sara si Hagar kay Abraham. Si Hagar na ngayon “ang may-asawa.” Sinasabi rito ni Pablo ang dalawang babae.)
- Paano kaya kasigurado na sabihing, “higit ang mga anak ng isang kawawang babae?” (Sa huli, si Sara ang manganganak kay Isaac, at sa ganon ay magiging ina ng bansa ng mga Judio at sa huli ay ang Mesiyas.)
- Ang Kuwento ni Isaac
- Basahin ang Galacia 4:28. Paano tayo (ang mga taong naniniwala sa katwiran sa pananampalataya lamang) naging tulad ni Isaac?
- Basahin ang Roma 4:18-21. Ano ang mahahalagang punto sa pananampalataya ni Abraham? Ang pangakong ito ay imposible para sa tao. Ngunit naniwala si Abraham kaya’t niluwalhati niya ang Diyos.)
- Basahin ang Roma 4:22-25. Ngayon sagutin ninyo ang una kong tanong, Paano tayo naging tulad ni Isaac? (Ipinanganak si Isaac bilang bunga ng pananampalataya ni Abraham sa pangako ng Diyos. Ipinangako ng Diyos na ating Ama sa atin si Jesus. Mayroon tayong buhay sa pamamagitan ni Jesus. Kung paanong binigyan ng katwiran si Abraham dahil sa naniwala siya sa ipinangakong si Isaac, ganon din ang atin kung maniniwala tayo sa buhay, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus para sa ating kabutihan.)
- Pagtatapos
- Nakita natin na ang layunin ni Sara para kay Abraham ay kapareho rin ng layunin ng Diyos para kay Abraham. Ano ang maituturo nito sa atin tungkol sa naniniwala na kailangan ang gawa para sa kaligtasan? (Ang mabuting gawa ay mabuti! Ang paggawa ng mabuti ay ang talagang layunin ng Diyos para sa ating buhay. Ang problema ay hindi ang layunin, kundi ang paraan. Kung susundin natin ang paraan ni Abraham at maniwala at magtiwala sa Diyos, mabuti ang ating paraan. Sa kabilang banda, kung titingnan natin ang ating mga gawa, kung ganon ang ating paraan ay tiyak na hindi lamang magtatagumpay, kundi kasalanan pa rin ito.)
- Basahin ang Galacia 4:29. Sinasabi sa atin ni Pablo na ang mga taong naniniwala sa katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ay inuusig ng mga taong naniniwala sa katwiran sa pamamagitan ng paggawa. Bakit? (Gusto mo ba sa iyong trabaho na ikaw lamang ang tapat na nagtatrabaho? Hindi! Ikaw ay naiinggit sa mga taong batugan at tamad. Kung naniniwala kang ang iyong gawa ay magliligtas sa iyo, kung ganon ikaw ay naiinggit sa mga taong nag-aangkin na sila ay iniligtas sa pamamagitan ng biyaya. Ang ating (o kaya’y aking) natural na damdamin ay naniniwala sa pagtatrabaho ng mahigpit sapagkat likas ko na ang pagiging trabahador. Ang pagtanggap sa kaloob na walang bayad ay hindi ayon sa ating natural na puso.)
- Basahin ang Galacia 4:30-31. Ating alalahanin na ang mga manggagawa ay mababa ang pagtingin sa mga taong iniligtas sa pamamagitan ng biyaya. Ano ang sinasabi ni Pablo na kailangan nating gawin sa mga taong nag-aakala na ililigtas sila sa pamamagitan ng gawa? (Itapon sila.)
- Yehey! Sandali lamang! Akala ko nagkasundo na tayo tungkol sa mga layunin ng mga manggagawa? Na ang pagsunod sa Sampung Utos ay isang mabuting bagay. Bakit kailangan pa nating itapon ang mga “mabuting” tao mula sa ating samahan? (Basahin ang Galacia 5:1-4. Ito ay isang maselang isyu. Ang mga taong tumatanggi sa katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ay tinatanggihan ang ginawa ni Jesus. Kanilang tinatanggihan ang pangunahing bahagi ng ebanghelyo. Sila ay lumalayo mula kay Jesus at sila ay patungo sa walang hanggang kamatayan sapagkat kailangan nilang tuparin ang buong kautusan.)
- Kaibigan, nakikita mo ba kung bakit maselan ang tanong na ito? Kung ikaw ay mananalig sa iyong mga gawa para sa iyong kaligtasan, ikaw ay mapapahamak. Iyong itinakwil si Jesus. Bakit hindi mo ikumpisal ngayon ang iyong kasalanan, tanggapin mo sa pamamagitan ang mga ginawa ni Jesus para sa iyong kabutihan, at pagkatapos ay manatili sa maluwalhating kaalaman na ang iyong kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya!
- Sa Kasunod na Linggo: Kalayaan kay Cristo.